Papasok na ko sa paaralan ng madaanan ko ang grupo ng mga kabataang naglalaro. Nakatutuwang pagmasdan habang sila ay nagtatakbuhan.Nakaka-miss tuloy ang panahon na isa rin akong bata.
Bigla ko naalala ang aking kababata, nang una kaming magkakilala. Palibhasa ay bagong lipat lamang kami noon parang walang nais na makipaglaro sa akin, naisip ko, "Galit kaya sila?". Buti na lang may isang batang babae na lumapit sa akin at nagnais na maging isa akong kaibigan.
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga. Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa kaya pinakawalan ito.
Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.
Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa
lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama
ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na
nakawala sa lambat.
Mabuti na lamang, may mga taong malawak ang pang-unawa. Dahil dito nakikilala natin ang ating mga tunay na kaibigan.