Thursday, February 16, 2012

Ang Kulit!!!

          Inaantok na ko dahil sa pagod, magbiyahe ka ba naman mula Morong hanggang Marikina. Ngunit di ko magawang matulog, ang kukulit kasi ng anak ko at mga pamangkin. 

          Kaysa mainis, naisipan ko na lang ikwento ang Alamat ng Maya (De Guzman, Maria Odulio 1972). Ito ay kwento ng batang si Rita na ubod ng kulit. Ang kanyang ina ay naiinis na sa mga ginagawa niyang hindi naman dapat gawin ng isang batang tulad niya.



          Isang araw, nagbabayo ng palay ang kanyang ina habang pinanonood ni Rita. Siya'y gutom na gutom galing sa laruan.  Nang mayroon ng isang salop ang nabayong bigas, si Rita ay nagsimula nang kumain ng bigas.  Ang lalagyan ng bigas ay malaki at may takip na bilao,  siya ay natakpan nito. Hindi nahalata ng ina.  Nang matapos na ang ina sa kanyang pagbabayo, tinawag niya si Rita upang mautusan sa pagtatago ng binayo.  Hindi sumagot si Rita.  Hinanap ng ina sa lahat ng taguan, wala rin si Rita roon.

Nang kanyan buhatin ang lalagyan ng bigas may lumabas na maliit na ibon galing sa loob.  Kumakain ng bigas ang ibong iyon.  Ang ibong iyon ay si Rita, ang tinatawag ngayong maya.


         Natawa ko sa pamangkin ko ng matapos ako magkwento, sabi niya "Magiging ibon din ba ko tita?" palibhasa tatlong taon lang at ang pinakamakulit sa grupo. Sinabi ko siyempe hindi, tinanong ko sila kung ano ang dapat nilang gawin?

         Nakakatuwang pakinggan ang sagot ng mga bata, na hindi na sila magkukulit at makikinig na kapag pinagsasabihan. Kahit alam ko na gagawin pa rin nila na magkulit pero at least sa huli alam pa rin  nila ang dapat gawin.(",)...
 

No comments:

Post a Comment