Wednesday, February 15, 2012

Karapatan ng mga Kabataan

1. Kalinga ng Pamilya
    Ang bata ay may karapatan mula sa pagsilang na makilala at maalagaan ng kanyang mga magulang. Ang bata ay hindi mahihiwalay sa kanyang magulang nang laban sa kanyang kagustuhan.

2. Malayang pag-iisip, budhi at relihiyon
   Dapat igalang ang karapatan ng bata sa malayang pag-iisip, budhi at sa pagsali sa anumang relihiyon.
 
3. Malayang pagpapahayag
   Ang bata ay may karapatan sa kalayaan ng pagpapahayag na sumasaklaw sa karapatan na maghahanap, tumanggap at magbigay ng impormasyon at mga ideya sa lahat ng uri.
 
4. Mabigyan ng sapat na edukasyon
   Kinikilala ang karapatan ng bata sa edukasyon, batay sa pantay-pantay na pagkakataon, maging mahirap man siya.
 
5. Buhay, Kaligtasan at Kaunlaran
   Ang bawat bata ay nagtataglay ng dimaikakait na karapatan sa buhay. Dapat tiyakin, sa abot ng kakayahan, angkakayahan, ang kaligtasan at kaunlaran ng bata.
 
6. Kalusugan
   Dapat kilalanin ang karapatan ng bata sa pagtamo ng pinakamataasna pamantayan sa kalusugan at pasilidad sa paggamot ng karamdaman.
 
7. Matutuhan ang mabuting kaugalian at asal
   Paggalang sa nakakatanda sakanila at lalo na ang pagkatakot sa Diyos. Karapatan din ito ng mga magulang o tagapag-alaga sa pagdudulot ng direksiyon at sa wastong paggamit sa mga karapatang ito.
 
8. Mabigyan ng pagkakataon na makapaglaro at makapaglibang
   May karapatan ang mga bata sa pahinga at aliwan, sa pagsali sa laro at gawaing nakalilibang at sa malayang paglahok sa buhay pangkultura at mga sining.
 
 

10 comments:

  1. ang mga kabataan ay may karapatan na mag salita ng totoo. kung ang sinasabi sa kanya ay hindi totoo.

    ReplyDelete
  2. Oo my karapatan ang kabataan dahil ito ay ng nagsasabi ng totoo..

    ReplyDelete
  3. salamat may napasa rin sa project namen

    ReplyDelete
  4. Maraming salamat SA inyo dahil akoy may isasagot na SA aming proyekto

    ReplyDelete
  5. Salamat dahil may takdang aralin nako :)

    ReplyDelete
  6. Maraming salamat po sa pagbigay ng ideya patungkol sa aking aralin.

    ReplyDelete
  7. salamat kase may isasagot na ko kay sr roger

    ReplyDelete